Tiniyak ni 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu Commander BGen. William Gonzales na gagamitan nila ng lahat ng kanilang assets para maneutralized ang teroristang Abu Sayyaf partikular ang mga nasa likod ng kambal na pagsabog sa Jolo.
Ayon kay Gonzales patuloy ang kanilang combat and intelligence operations para ma-neutralized si Mundi Sawadjaan na nasa likod ng Jolo twin bombing nuong August 24,2020.
Sinabi ni Gonzales, lalo pa nilang pinaigting ang kanilang focus military operations laban sa teroristang ABu Sayyaf.
Kahapon, nakasagupa ng mga mga tropa ng 3rd at 5th Scout Ranger Battalions ang isang grupo ng Abu Sayyaf sa Patikul,Sulu.
Dalawang teroristang Abu Sayyaf ang nasawi sa nasabing labanan.
Sa panig naman ng gobyerno, isang sundalo ang nasawi habang pitong iba pa ang sugatan.