-- Advertisements --

JTFNCR

All-set na ang Joint Task Force NCR para magbigay suporta sa Presidential Security Group (PSG) at Philippine National Police (PNP) para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Rodrigo Duterte bukas, Lunes July 22,2019.

Ayon kay JTF NCR Spokesperson 1Lt. Arriane Bichara, may mga tropa silang inilaan na direktang tutulong at susuporta sa mga pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa iba pang law enforcement agencies.

Ang mga idedeploy na sundalo sa SONA ay mga reserved force mula sa ibat ibang major services ng AFP.

Sinabi ni Bichara, kanilang namonitor na magsasagawa ng kilos portesta ang mga militanteng grupo.

Pero tiniyak ng JTF NCR na gagawin nila ang lahat para maprotektahan ang sambayanan at ang estado.

” We monitored that the anti-government organizationswill conduct rally and demonstrations to agitate civil disorders in the area,” wika ni 1Lt. Bichara.

Sa kabilang dako, nasa 15,000 police personnel ang idedeploy ng NCRPO sa Metro Manila para sa SONA bukas ng Pang. Rodrigo Duterte.

Bukod sa mga pulis na magbibigay seguridad sa Batasan may mga pulis din ang nakabantay sa ibat ibang lugar na target ng mga militanteng grupo.

Epektibo kahapon ng umaga, Sabado July 20, isinailalim na sa full alert status ng PNP ang buong bansa.