-- Advertisements --

Ikinagalit ng fans ni Karina miyembro ng Korean girl group na Aespa ang muling pakikipaghiwalay nito sa nobyo.

Nitong nakaraang linggo ay inamin ng singer na hiwalay na sila ng actor na si Lee Jae-wook.

Ayon sa agency ng singer na nagpasya ang dalawa na tapusin ang mahigit limang linggong relasyon para makatutok sa kaniya-kaniyang career.

Ikinagalit ito ng mga fans dahil sa tila pagta-traydor sa kanila at sinasabing kulang umano ang naibibigay nilang pagmamahal sa singer.

Sa social media account ng singer ay humingi ito ng paumanhin sa fans at sinabing marapat na maintindihan ang kaniyang kalagayan at pinagdadaanan.