-- Advertisements --

Nagsimula na ang automated election system (AES) ballot printing para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong araw ng Linggo, Enero 23.

Ayon lay Comelec spokesperson James Jimenez, ang printing ng mga balota para sa May 9 elections ay nagsimula kaninang alas-11:27 ng umaga sa National Printing Office.

Unang na-print na mga balota ay para sa Lanao del Sur, na aabot sa 685,653 ang bilang, na kabahagi lamang ng 2,588,193 total number ng BARMM ballots na kailangan i-print.

Dagdag pa ni Jimenez, nakumpleto na ang printing ng manual local absentee voting (LAV) at overseas absentee voting ballots para sa May 9 elections.

Magugunitang Enero 20 nang unang magsimula nang printing ng mga manual ballots.