Makakaranas ng 4 na araw na power interruptions ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Laguna at lungsod ng Quezon simula bukas, Enero 21 hanggang 24.
Sa inisyung abiso ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong araw, sinabi ng kompaniya na ang scheduled brownouts ay dahil sa maintenance works na isasagawa sa mga nabanggit na lugar.
Sa Enero 21, mawawala ng suplay ng kuryente dahil sa relokasyon ng mga poste at pagsasaayos ng mga linya ng kuryente sa may Ejercito Avenue sa Barangay San Juan, Taytay.
Kabilang sa maapektuhan sa ilang bahagi ng Cainta at Taytay sa probisniya ng Rizal sa pagitan ng 9 a.m. at 9:30 a.m. at sa hapon naman ay 1:30 p.m. at 2 p.m.
Sa Enero 22 naman, makakaranas ng scheduled power interruption sa ilang lugar sa Malolos city sa Bulacan sa pagitan ng 9am at 9:30am dahil sa rekonstruksiyon ng mga linya ng kuryente sa Barangay Bangkal, Mambog at Taal sa Malolos city.
Sa Enero 23 naman, apektado ang ilang portion ng Sta. Rosa city partikular sa Villa Caceres Subd. sa City Proper sa probinsiya ng Laguna dahil sa pagsasaayos ng linya ng kuryente sa naturang lugar.
Sa Enero 23-24 naman, apektado ang ilang portion ng Balintawak at Balong Bato sa Quezon city sa pagitan ng 11pm, sa Enero 23 at 4am sa Enero 24.
Ito ay dahil naman sa maintenance works sa may Epifanio delos Santos Ave. (EDSA) Northbound sa Bgy. Apolonio Samson at Bgy. Unang Sigaw sa Balintawak.