-- Advertisements --
Nabawi ni Israel Adesanya ang kaniyang middleweight world title.
Ito ay matapos patulugin sa ikalawang round lamang si Alex Pereira sa UFC 287 na ginanap sa Kaseya Center sa Miami, Florida.
Dalawang beses kasi siyang tinalo ng Brazilian fighter na ang huli ay noong UFC 281 ng maagaw ni Pereira ang titulo.
Sa unang round ay nagpapakiramdaman pa ang dalawa hanggang pagpasok ng ikalawang round ay doon na pinaulanan ni Adesanya ng mga suntok at sipa si Pereira hanggang ito ay tuluyang matulog.
Mayroon ng 24 na panalo ito at dalawang talo ngayon.










