-- Advertisements --
Pinalawig pa ni Adele ang petsa ng kaniyang pagtatanghal sa Las Vegas.
NItoing nakaraang Marso 25 ng magtapos ang kaniyang mga serye ng show sa Las Vegas.
Subalit sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng 34-anyos na British singer-songwriter na ito ay babalik sa Vegas.
Nagpost ito ng poster kung saan mula Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taon gaganapin ang nasabing mga show.
Magugunitang noong Enero 2022 ng binatikos ito dahil sa hindi natuloy ang mga show nito sa Vegas matapos na tamaan siya ng COVID-19.