Inapbrubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang $300-million policy-based loan upang suportahan ang government financial inclusions ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng ADB na ang policy loan na Inclusive Finance Development Program, Subprogram 3, ay sumusuporta sa mga reporma upang palawakin ang financial inclusion sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapabuti ng financial infrastructure ng bansa, kabilang ang pagpapalawak ng digital financing ecosystem.
Ang programa ng pautang ay naglalayong tulungan ang pamahalaan sa paglikha ng isang mas malakas na institutional and policy environment upang makatulong na palawakin ang access ng mga Pilipino sa mga serbisyong pinansyal, partikular na ang mahihinang bahagi ng populasyon, at upang itaguyod ang paglago ng ekonomiya.
Susuportahan din nito ang mga pagsisikap na pataasin ang kapasidad ng mga nagbibigay ng serbisyo sa pananalapi, tulad ng mga rural banks at mga non-bank financial institutions, upang mag-alok ng mga de-kalidad na produkto at serbisyo.
Sa pamamagitan ng pautang na ito, pinalalawak ng ADB ang pakikipagtulungan nito sa Pilipinas upang matiyak na ang lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng access sa mga produkto at serbisyo sa pananalapi.
Kabilang ang sa pamamagitan ng mga digital platform, upang makatulong na mapabuti ang kanilang buhay at makatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.