-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Maymay Entrata ang kaniyang pagbibinyag.

Sa social media account nito ay nagpost siya ng video habang ito ay binibinyagan noong Easter Sunday.

Sinabi nito na nagulat siya ng magkaahon niya sa tubig ng 10 ng umaga ay pinagdarasal na siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Pag-aamin pa ng actress na nong mga nakaraang taon ay nawawala dito sa landas at humina ang kaniyang paniniwala sa MayKapal.

Nawala ang kaniyang landas noong pumasok sa showbiz at taong 2019 ng bumalik ito sa pananalig.

Subalit pagdating ng 2021 ay nawala muli ito ng landas hanggang sa 2023 ng bumalik muli ang kaniyang paniniwala.