-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ng Hollywood actress Lindsay Lohan ang kaniyang pagbubuntis.

Ito ang unang anak ng 36-anyos na actress at asawang si Bader Shammas.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa kaniyang social media kung saan hindi na umano sila makapaghintay ng bagong kabanata ng kanilang buhay.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kasamahan nito sa Hollywood ng malaman ang balita.

Noong nakaraang taon na ikasal ang dalawa.

Nagkakilala ang dalawa bago ang pandemic at noong Nobyembre 2021 ay inanunsiyo nila ang kanilang engagement.