-- Advertisements --

Nakahinga na ng maluwag ang actress na si Danica Sotto at asawang PBA legend Marc Pingris matapos na gumaling na ang anak nilang si Caela mula sa dengue.

Sa social media post ng actress ay makikita ang larawan nilang tatlo habang nasa pagamutan.

Pinasalamatan nito ang mga doctor na tumugon para sa mabilisang paggaling ng anak.

Matapos umano ang pananatili ng ilang araw sa pagamutan ay nakauwi na umano ang mga ito.

Nauna ng ibinunyag ng mag-asawa na inaasahan nila ang paglabas ng ikatlo nilang anak.

Nagkakilala ang dalawa noong Oktubre 2005 at noong Marso 2007 ay ikinasal sila kung saan mayroon silang dalawang anak na sina Jean Michael at Aniella Micaela.