-- Advertisements --
Buhos ngayon ang pakikiramay sa showbiz industry, dahil sa pagpanaw ng tinaguriang “Filipino James Bond” na si Tony Ferrer.
Ayon sa anak nitong si Mark Laxa, pumanaw ang aktor sa edad na 86 dahil sa dati nang karamdaman sa puso.
Si Tony Ferrer o Antonio Laxa sa tunay na buhay ay sumikat noong ’60s at ’70s, nang ginampanan niya ang role bilang Tony Falcon sa “Agent X-44” movie series.
Isa sa huling paglabas ni Tony sa big screen noong nakasama siya sa pelikula ng komedyanteng si Vhong Navarro, para sa bagong version ng “Agent X44.”
Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya nito ukol sa magiging burol at libing ng aktor, lalo’t bawal pa rin ang mass gathering ngayong may umiiral pang COVID-19 pandemic.