-- Advertisements --
Nakatakdang gawaran ng lifetime award ng Golden Globes ang beteranong actor na si Tom Hanks.
Igagawad ang nasabing parangal sa Enero 5 na gaganapin sa Beverly Hills.
Unang pelikulang ginawa ng 63-anyos na actor ay ang “Big” noong 1988.
Nakakuha ito ng back-to-back award sa Golden Globe at Oscars noong 1994 at 1995 dahil sa pelikulang “Philadelphia” at “Forrest Gump”.
Mayroong mahigit 80 pelikula na ang nagawa nito gaya ng “Sleepless in Seatle” at “Private Ryan”.