Mico Palanca
Mico Palanca/ IG post

Pumanaw na ang actor na si Mico Palanca sa edad 41.

Kinumpirma ito ng Film Academy of the Philippines ng magpaabot sila ng pakikiramay sa kaanak ng actor.

Sinasabing nagpakamatay ang actor sa pamamagitan ng pagtalon sa isang mall sa San Juan nitong Linggo.

Taong 2000 ng sumikat ang actor at lumabas sa iba’t-ibang pelikula at teleserye.

Nagkaroon sila ng relasyon ng actress na si Bea Alonzo.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga kasamahan nito sa showbiz ng malaman ang nasabing balita.

Si Mico ay kapatid rin ng actor na si Bernard.