-- Advertisements --

Kinumpirma ng Tagaytay PNP na kanilang na-rescue ang aktres na si Ana Jalandoni matapos makatanggap ng tawag mula sa isang hotel sa Tagaytay.

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang nasabing hotel.

Una nang humingi ng saklolo ang aktres sa kaniyang mga kaibigan at nagpadala pa ng kaniyang larawan.

Ayon sa aktres ikinulong umano siya at sinaktan ng kaniyang boyfriend, ang aktor na si Kit Thompson.

kit

Sa ngayon sumasailalim na sa medical treatment ang aktres dahil sa tinamong sugat.

Habang dinala na sa Tagaytay Police Station ang aktor para sa imbestigasyon.

Makikita sa screenshot ang larawan ng aktres na may mga galos at namamagang mga mata.