-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang actor na si Hugh Jackman.
Sa kaniyang social media ay inanunsiyo nito ang pagpositibo ng virus.
Nagpasya na rin ito ng mag-isolate at nilinaw niya na wala siyang nararamdaman na anumang sintomas.
Dahil dito ay hindi na siya makakasama sa Broadway musical na kaniyang kinabibilangan mula Hunyo 14-21.
Ito na ang pangalawang beses na pagpositibo ng ‘Wolverine’ actor ng nasabing virus na ang una ay noong nakaraang taon.