DL Hughley
DL Hughley / IG post
-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 ang actor-comedian na si D.L Hughley.

Inanunsiyo ng 57-anyos na komedyante ang pagpositibo niya sa nasabing virus matapos na ito ay mahimatay sa gitna ng kaniyang show sa Nashville.

Sa kaniyang Instagram post, nalaman na lamang nito ang pagpositibo sa virus ng sumailalim sa ilang mga pagsusuri sa Saint Thomas Hospital sa Nashville kung saan ito ay dinala dahil matapos mahimatay.

Tiniyak naman ng actor na sasailalim ito sa 14 na araw na quarantine hanggang ito ay tuluyang gumaling.

Paliwanag ng kaniyang publicist na si Yvette Shearer na sa labis na kapaguran kaya ito nawalan ng malay.

-- Advertisement --