BOMBO DAGUPAN – Suportado ng ACT Teachers Partylist ang panawagan ng mga drivers at operators kaugnay sa jeepney modernization.
Ayon sa naging panayam ng himpilan ng Bombo Radyo Dagupan sa Representative ng naturang partylist na si France Castro, hindi naman umano tutol ang hanay ng transportasyon sa modernisasyon bagkos ay sa implementasyon lamang nito.
Pilipilit kasi aniya ng mga kinauukulan ang mga ito na maging miyembro ng kanilang kooperatiba na labag umano sa kanilang kalooban.
Karapatan aniya kasi ng mga ito ang magkaroon ng malayang desisyon sa pagsapi sa isang organisasyon.
Dagdag pa ni Castro na dapat payagan ang mga sektor ng transportasyon na ang mga kinabibilangan nilang organisasyon ang mag-credit at magpatupad ng modernisasyon.
Maaari naman aniya silang mag-comply ngunit hindi umano nila kayang abutin ang presyo ng mga modernized jeepneys na umaabot sa 1.2 hanggang 2.5 milyong piso ang halaga.
Sa kasalukuyan ang magkakaroon aniya ng pagpupulong ang bawat representante ng naturang partylist kasama ang Gabriella partylist at Kabataan Partylist upang pag-usapan ang kanilang isasagawang resolusyon.