-- Advertisements --

Naayos na ang issue hinggil sa P275.9 million halaga ng meal allowances sa mga medical workers na kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA), ayon sa Department of Health (DOH),

Ayon sa DOH, sa kinukuwestiyon na halaga ng COA, P2.4 billion dito ang downloaded na sa kanilang Centers for Health Development pati na rin sa mga state-run at specialty hospitals.

Pero mayroon aniya sa mga ospital ang ibinigay na lamang ng cash, grocery vouchers o items ang halagang kanilang natanggap dahil sa mga hamon o hirap na kanilang dapat pagdaan para lang magbigay ng aktwal na pagkain sa mga health workers na hindi naman regular ang schedule ng breaks.

Pero tinutulan anila ito ng mga state auditors at inirekomenda na ibalik ang mga allowances na kanilang naipamahagi na.

Ayon kasi sa COA, salungat ang ginawa ng ilang mga ospital sa tunay na hangarin ng budget sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Dipensa naman ng DOH, may approval ng Office of the President (OP) ang pagpayag na ibigay na lamang ng cash ang para sa meal allowance dapat ng mga healthcare workers.

Kasabay nito, iginiit ng mga opisyal ng DH na lahat ng pondo ay accounted at hindi ninakaw o nadamay gamit sa korapsyon.