-- Advertisements --

Kinondena ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences, ang grupo na siyang nasa likod ng prestihiyosong Oscar Awards ang ginawang pananampal ng actor na si Will Smith sa presenter na si Chris Rock.

Ayon sa Academy nagsimula na rin ang kanilang pag-review sa insidente at pag-aralan ang mga susunod na hakbang laban kay Smith sa ilalim ng Bylaws, Standards of Conduct at California law.

Kung maalala sa awards ceremony kahapon, hindi nagustuhan ni Smith ang pagbibiro ni Rock sa hairstyle ng kanyang misis na si Jada Pinkett Smith na dumaranas ng Alopecia.

Biglang umakyat ng stage ang veteran actor at doon sa sinampal si Chris Rock na sa akala ng lahat ay parte pa ng script.

Pagkatapos nito ay sinundan na ito ng pagmumura ni Smith kay Rock na ‘wag gawing biruan ang kanyang misis.

Ilang mga Hollywood stars naman at mga celebrities ang hindi pa rin makapaniwala sa pangyayari at “shock” din sa naturang tanawin.

Nang ianunsyo ang panalo ni Smith bilang best actor sa pelikulang “King Richard” naiyak ito at humingi ng paumanhin.