-- Advertisements --

Pinatawan ng PBA na P20,000 na multa at sinuspendi ng isang laro si Magnolia forward Calvin Abueva.

Kasunod ito sa pagwagay-way niya ng kaniyang middle finger sa isang fans sa laro nila kontra Barangay Ginebra.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial na kapag inulit ni Abueva ang kaniyang ginawa ay dadagdagan niya ang multa at suspension.

Dagdag pa nito na naasar lamang si Abueva sa kantiyaw at mura ng isang fan.

Pinayuihan na lamang nito na sakaling merong insidente na ito ay dapat isumbong niya sa referee at sa officials para pagsabihan ang fan.

Magugunitang noong 2023-24 PBA Commissioners’ Cup Finals ay binatikos si Abueva matapos kantiyawan ang physical disability ng coach ng San Miguel Beermen na si Jorge Gallent.