-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa graft and corrupt practices act at direct bribery ang isang abogado sa mismong opisina ng Land Registration Authority Office ng San Victores Street sa Barangay 9, Malaybalay City, Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Atty. Manuel Felicia, 62-anyos, may asawa, head ng Registry of Deeds-Bukidnon at residente ng Barangay Macasandig nitong lungsod.

Nahuli siya sa pamamagitan ng entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay CIDG-10 deputy director Lt. Col. Napoleon Carpio, dinakip nila si Felicia matapos ang reklamo ni Atty. Policarpio Inson Catalan na taga-Purok Masiglan, Barangay Salawagan, Quezon, Bukidnon.

Aniya, modus na ng suspek na humingi ng pera sa mga kliyente ni Catalan upang mapadali ang pag-apruba at pag-release ng certificate of land title.

Nakumpiska naman galing sa suspek ang P5,000 na halaga ng pera.