-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inaalam pa ng Valencia City Police Station ang motibo sa pag-ambush kay Atty. Nicolas Gomez.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni Police Lt. Col Surki Serenias, binaril ang biktima ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na lulan ng itim na XRM Honda 125 at walang plaka.

Dadalo sana sa isang hearing sa Malaybalay Regional Trial Court si Atty. Gomez kaninang umaga nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon, dalawang anggulo ang sinisilip ng mga imbestigador kung saan posibleng land conflict at pag-aaway ng mga tenants ang dahilan ng kanyang pagkapaslang

Ang pinatay na abogado ay tubong Davao City na balikbayan mula Estados Unidos, pero pansamantalang nakatira sa bahagi ng Phase -3 Poblaccion sa Valencia City.