-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni Gilas Pilipinas player Rhenz Abando ang kanilang coach na si Chot Reyes.
Kasunod ito sa kanilang pagkatalo laban sa Italy 90-83 nitong Martes ng gabi bilang bahagi ng FIBA Basketball World Cup 2023.
Sinabi nito na hindi tamang sisihin si Reyes dahil lahat aniya ay nagkakamali.
Nanawagan na lamang ito ng pagsuporta dahil sa nagsusumikap sila para makakuha ng panalo sa anumang torneo na kanilang nilalahukan.
Magugunitang mula maraming mga bumabatikos kay Reyes dahil umano sa magkakasunod na pagkatalo nila sa Group A ng nagpapatuloy na torneo na ginaganap dito sa Pilipinas.