Anabelle Rama
Anabelle Rama/ IG post

Binalaan ni Annabelle Rama si Gretchen Barretto na kung hindi ito titigil sa pagdawit sa anak na si Ruffa Gutierrez sa away ng pamilya Barretto ay handa rin siyang makipaggiyera rito.

Pahayag ito ng kontrobersyal na talent manager kasabay ng pagdepensa sa celebrity daughter matapos patutsadahan ni “La Greta” sa pagsasabing ““sawsawera” raw sa away nilang pamilya ang beauty queen turned actress.

Ayon kay Rama, ayaw sana niyang pag-aksayahan ng oras si Gretchen pero papatulan niya ito kapag hindi pa nanahimik.

“It’s not worth it. Pero ‘pag lumalaban siya, continue pa rin ako. Hindi naman ako magpapa-under maski kanino, ano?” ani Annabelle sa entertainment columnist na si Allan Diones.

“Ayoko nang magsalita pa, kasi tumahimik naman siya, e. Kung hindi siya tumahimik, mas mahaba pa ang sasabihin ko,” dagdag nito.

Ugat ng pagdawit ni Gretchen kay Ruffa ay matapos magkomento ng huli sa selfie post ni Julia Barretto, anak ni Marjorie, na aniya’y “fresh.”