-- Advertisements --

Bagama’t 10 taon na ang nakakaraan, may mangilan-ngilan pa rin ang nagbalik-tanaw sa malagim na Manila hostage crisis noong Agosto 23, 2010.

Katunayan sa iba’t ibang social media, nagsimula nang mag-post ilang netizens ng mga larawan partikular ng bus mula sa naturang hostage incident na naganap sa Rizal Park.

Kung maaalala, siyam ang nasawi sa insidente kabilang ang walong Hong Kong tourists at ang hostage taker na dating pulis na si Rolando Mendoza.

Umabot sa 10 oras ang standoff na ito na itinuturing na pinakaunang mabigat na kontrobersya sa administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.