-- Advertisements --
image 322

Siniguro ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walang magiging problema sa suplay ng kuryente ngayong nlalapit na panahon ng tag-init .
Ito ang sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines spokesperson Atty. Cynthia Alavanza, kasabay ng pahiwatig na kailangan lang masunod ang tinatawag na Grid Operating Plan (GOP).
Ang naturang plano ayon kay Alavanza ay ang schedule ng mga maintenance shutdowns ng mga planta para hindi magkaruon ng pagka-antala sa suplay ng kuryente.
Nagkakaruon lang naman kasi ng problema sa kuryente paliwanag ni Alavanza kapag nagkaruon ng maintenance shutdown na wala sa aprubadong maintenance schedule.
Inihayag ni Alavanza na kapag hindi nasunod ang Grid Operating Plan ay maaaring mangyari ang biglaang pagtirik ng mga planta at duon magkaruon ng problema sa kuryente na matapat pa ngayong nalalapit ng summer.
Problema din aniya na sa gitna ng outage o emergency shutdown ay baka sumabay pa ang biglang pagpalo ng konsumo ng kuryente kaya’t angf panawagan ng NGCP, maging masinop at maingat din naman sa paggamit ng kuryente.