
Inirekomenda ng National Privacy Commission (NPC) ang pagpataw ng data privacy charges laban sa empelyado ng Smartmatic at suspected hacker sa likod ng election data breach ilang buwan bago ang halalan noong Mayo ng nakalipas na taon.
Subalit sa desisyon na may petsang Setyembre 22 subalit ngayong linggo lamang inilabas, tinanggap ng NPC ang confession sa National Bureau of Investigation (NBI) ng empleyado ng Smartmatic na si Ricardo Argana na nagbigay ng access sa isang nagngangalang Winston Steward sa server ng Smartmatic gamit ang kaniyang computer sa Comelec office kapalit ng alok na pera na P50,000 hanggang P300,000 cash.
Sa sinumpaang salaysay nito sa NBI noong Pebrero 22, 2022, sinabi ni Argana na nagtrabaho siya sa Smartmatic mula August 2021 hanggang January 2022 bilang quality assurance tester sa Comelec office.
Nakatanggap siya ng private messgae mula kay Steward sa pamamagitan ng FB messenger na nagaalok ng pera sa kaniya kapalit ng access sa kaniyang computer.
Nagawa umano ni Argana na makipagsabwatan sa hackers kapalit ng pera dahil mayroon itong dalawang buwang anak.
Maliban kina Argana at Stewar, hindi na pinangalanan pa ng NPC ang iba pang mga indibdiwal na dapat usigin dahil sa hindi awtorisadong access o intentional breach sa salig sa section 29 ng Data Privacy Act of 2012.










