-- Advertisements --

Asahan ng mga motorista ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa unang 4-trading days, ang presyo ng gasolina ay inaasahang magkakaroon ng rollback na P0.62 kada litro.
Sa kerosene naman, may tapyas na P1.04 kada litro.
Para naman sa diesel, inaasahang magpapatupad ng rollback na P1.23/L.
Inaasahan na opisyal na iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang paggalaw sa presyo ng petroleum products sa araw ng Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.









