
Patuloy pang tumataas ang bilang ng mga indibidwal na nabibiktima ng malawakang pagbaha sa Libya.
Ito ay kasunod pa rin ng pagragasa ng flash floods na sinlaki ng tsunami dulot ng paghagupit ng Mediterranean storm Daniel sa lugar noong September 10, 2023.
Sa ulat ng International Organization for Migration, umabot na sa 3,300 ang iniwang patay nito, habang tinatayang nasa 10,000 indibidwal naman ang napaulat na nawawala.
Bukod dito ay nasa 43,059 katao ang kinailangang ilikas ng mga otoridad nang dahil sa epekto ng malawakang pagbaha sa Northeastern Libya.
Samantala, sa kabila nito ay naibalik naman na muli ang linya ng kuryente at internet services sa lugar matapos ang dalawang araw na naranasang disruption kasunod yan ng pagpoprotesta ng mga apektadong residente sa nasabing lugar.










