-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagpapagaling ni dating First Lady Imelda Marcos matapos na sumailalim sa angioplasty.

Ayon kay Senator Imee Marcos na nitong Mayo 7 ng maging matagumpay ang angioplasty ng ina sa St. Luke’s Medical Center sa Global City.

Nakatakda na rin ito umuwi ngayong linggo matapos ang tuluyang pagpapagaling ng ina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Magugunitang noong Marso ay kumalat ang balitang pumanaw na ang 93-anyos na dating kongresista na mariing pinabulaanan naman ng anak nitong senadora.