-- Advertisements --
cropped PCSO 4

Isinusulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang pagtatayo ng mas maraming sangay sa bawat lalawigan sa buong bansa, upang lalo pang mapalawak ang serbisyo nito.

Ayon kay PCSO Chairman Junie Cua, target nilang makumpleto ang 82 branches na silang tutugon sa mga pangangailangan ng mga residente sa bawat probinsya.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroon pa lamang 72 branch office ang PCSO sa buong bansa.

Ani Cua, kung mailapit ng PCSO ang mga opisina nito sa bawat probinsya, hindi na kailangan pang bumiyahe ang mga kliyente nito papunta sa mga malalayong lugar, kung saan mayroong PCSO Office.

Samantala, maliban sa mas maraming offices, pinipilit din ng PCSO na gawing digital ang kanilang operasyon upang maging mas mabilis pag-access dito ng mga kliyente.

Ang expansion at digitalization project na ito ng PCSO ay bahagi rin aniya ng pagnanais ng administrasyong Marcos na mailapit pa lalo ang serbisyong medikal sa mga Pilipino.