-- Advertisements --
cropped Bureau of Immigration

Na-relieve sa pwesto ang tatlong kawani ng Bureau of Immigration (BI) na umano’y sangkot sa mga aktibiad ng human trafficking.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, dalawa sa mga ito ay mula sa Clark International Airport (CIA) habang ang isa naman ay nakabase sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA),

Una ng inanunsiyo ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na na-relieve ang dalawa sa kanilang personnel matapos na makatanggap ng impormasyon na kaugnayan ng mga ito sa mga isndikato ng human trafficking.

Ayon din sa opsiyal na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon at mayroong probable cause at maghahain sila ng administrative case sa Department of Justice (DOJ).

Bagamat hindi na idinitalye pa ni Sandoval ang partikular na nagawa ng 3 immigration personnel subalit kinumpirma nito na kanilang tiitignan ang kaugnayan ng nasabing mga personnel sa mga sindikato sa Cambodia at iba pang Asian countries a nagrerecruit ng mga Pilipino para sa kanilang scamming activities.

Una ng ibinunsyag ni Senator Risa Hontiveros ang isyu ng chinese mafia sa Cambodia na umano’y nagrerecruit ng mga Pilipino para maging cryptocurrency scammers.