-- Advertisements --
May inilaan na tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Pilipinong mawawalan ng trabaho kung sakaling tuluyan ng ipagbawal sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Sinabi ni Labor Undersecretary Carmela Torres na kanilang titignan ang mga edad ganun din kung saan maaring mabigyan sila ng mga training.
Labis kasi na maapektuhan dito ay mga nagsilbing guwardiya at mga skilled workers na nagtatrabaho sa POGO.
Magugunitang isinusulong ng ilang mga mambabatas sa bansa sa pagpapasara ng POGO dahil sa mga krimen na kanilang kinakaharap gaya ng mga pagdukot at pagbebenta ng iligal na droga.










