Muling isusulong ng isang senior adminsitration lawmaker ang muling paghahain ng panukalang batas na nagsusulong para sa suspensiyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, makakatulong pata maibsan ang pasaning pinansiyal ng publiko ang suspensiyon ng excise tax kasunod ng panibagong pagpapatupad ng mga kompaniya ng langis na bagong umento sa presyo ng diesel at tapyas naman sa presyo ng gasolina.
Inaasahan din na tataas pa ang mga presyo ng produktong petrolyo dahil sa desisyon ng European Union na pagbabawal sa 90 porsyento ng kanilang oil imports mula sa Russia sa katapusan ng taon.
Iginiit din ng mambabatas ang presyo ng crude oil sa kasalukuyan sa international market ay sumipa pa sa mahigit $110 per barrel kasunod nga ng desisyon ng EU.
Aniya, muli siyang maghahain ng panukala na poprotekta sa collection ng fuel taxes para sa apat na taon sa gitna ng inaasahang pagrekober ng ekonomiya mula sa COVID-19 pandemic at epekto ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Saad pa ni rodriguez na ang kaniyang suspension proposal ay saklaw ang tax increase na ipinataw sa ilalim ng Section 43 ng Republic Act 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Aniya, mabebenipisyuhan ang lahat ng sektor sa ekonomiya sa naturang bil kabialng na ang turismo at aviation na matinding tinamaan ng pandemiya.
Sakop din dito ang bunker fuel oil na ginagamit sa pag-generate ng kuryente at nasa P6 kada litro ang tax sa ilalim ng TRAIN law.
Sa oras na maaprubahan bilang batas, ayon sa mambabatas magreresulta din ito sa pagbaba ng cost of travel at sa cost of goods. Top
-- Advertisements --










