-- Advertisements --

Hinimok ng kilalang historian na si Prof. Michael Charleston “Xiao” Chua ang mga kritiko ng quincentennial celebration na tingnan ang okasyon sa positibong pananaw.

Ang naturang selebrasyon kasi ay para sa pagkakadiskubre ng mga Espanyol at Purtugese ating bansa noong 1521.

Pero may ilang kontra sa pagdiriwang na ito, lalo na ang mga naniniwalang karangalan lamang ng mga mananakop ang nabibigyan ng “highlights” sa aktibidad na ito.

Ayon kay Chua, dapat ikonsidera ang quincentennial sa pangkalahatang pakinabang, lalo’t malaki ang papel ng Magellan – Elcano circumnavigation sa science, kung saan ito ang isa sa patunay na ang mundo ay bilog.

Naipakita rin ng mga unang Filipino ang sari-saring katangian, kabilang na ang hospitality, mayamang kultura at ang katapangan sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan.