-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nila bina-ban ang paggamit ng rapid antibody test para sa COVID-19.

Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng lumalakas pang panawagan ng medical experts at mga doktor para ihinto ang paggamit sa naturang test na naglalabas daw ng hindi tiyak na resulta.

Ayon sa DOH, hindi nila inirerekomenda ang paggamit ng rapid test para sa diagnosis o pag-determina kung positibo o hindi sa COVID-19 ang bawal indibidwal.

Wala rin daw sa inilabas nilang testing guidelines ang paggamit ng rapid test bilang requirement ng mga kompanya sa mga magbabalik trabahong empleyado.

“Use only for determining sero-prevalence of a population or complementary to RT-PCR.”

Binigyang diin ng Health department na posibleng false positive o false negative ang ilabas na resulta sa paggamit ng rapid test.

“They are used to check if a reaction against the virus has happened (i.e. formation of antibodies). However this reaction is not specific to COVID-19. As the experts have said repeatedly – right test for the right reason.”

Sa isang virtual conference nitong Lunes sinabi ni Dr. Antonio Dans ng Philippine Society of General Internal Medicine, na posibleng magpalala sa transmission ng COVID-19 ang rapid test.

Dahil sa hindi tiyak na resultang inilalabas nito ay hindi raw masasala ng mabuti kung sino talaga ang mga negatibo at confirmed cases sa komunidad.

Ayon sa DOH, bumabalangkas na sila ng bagong guidelines sa paggamit ng rapid antibody test.