-- Advertisements --

duts

Ibinida ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang kanilang mga major accomplishments partikular ang pagtugon ng PNP sa Covid-19, sa pagdiriwang ng PNP ng kanilang ika-119th Police Service Anniversary ngayong araw.


Sa talumpati ni Gamboa kaniyang sinabi ‘We will win this war.’

Binigyang-diin ni Gamboa na nananatiling matatag ang kanilang organisasyon at handang tumugon sa anumang hamon kasama na ang pagiging fronliner.

Hindi naging hadlang sa Philippine National Police (PNP) ang nararanasang pandemya ng bansa para ipagpatuloy ang kanilang misyon lalo na sa kanilang anti-criminality campaign, anti-illegal drugs operation, insurgency at terrorism.


Kasabay nito, kinilala ni Gamboa ang sakripisyo ng mga pulis na nagpapatupad sa minimum health and safety protocols ng pamahalaan.


Ayon kay Gamboa, kahit mahigit 2,000 pulie ang tinamaan ng COVID 19 , walang timeout sa kanila at tuloy lang sila sa pagtupad ng kanilang mandato.

PNPser1 1

Samantala, inisa-isa rin ni Gamboa ang accomplishment ng PNP sa nakalipas na taon kabilang na ang pagpapalakas ng human resources sa pamamagitan ng tuloy tuloy na recruitment, pinaigting na internal cleansing campaign, mas mababang index crime at pagkakahuli ng mga high value target.

Partikular na binanggit ni Gamboa ang pag-aresto kay dating Dinagat Island Congressman Ruben Ecleo Jr. na hinatulang guilty ng korte sa kasong Parricide at Graft.

Sa nasabing aktibidad, pinarangalan naman ang mga natatanging pulis dahil sa sa iba’t ibang accomplishment at maging sa kampanya sa COVID 19.

Kabilang sa binigyan ng parangal sina PNP Deputy Chief for Administration at Admin Support To COVID-19 Operations Task Force ocommander Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, JTF COVID Shield Commander Police Lt. gen. Guillermo Eleazar at NCRPO chief MGen. Debold Sinas.


Binati naman ni Pang. Rodrigo Duterte ang PNP sa kanilang anibersaryo.

Sa isang video message hinimok nito ang PNP na ipagpatuloy ang pagsilbi sa bayan ng may katapatan at karangalan.