-- Advertisements --

nesthy petecio
Nesthy Petecio

BACOLOD CITY – Sumasang-ayon ang national athletes na sina Nesthy Petecio ng boxing, Sydney Sy Tancontian ng sambo/kurash, Mary Joy Tabal ng marathon at Nathaniel Sanchez ng obstacle course racing, sa decision ng Philippine Sports Commission (PSC) na ikansela ang lahat ng sports activities hanggang Disyembre.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Women’s World Boxing Championships 2019 gold medalist Nesthy Petecio, marami umano silang stranded ngayon na mga atleta na nais ng makauwi kaya susundin nila kung ano man ang pasya ng PSC upang maprotekktahan silang lahat at masunod ang national government guidelines na nagbabawal ng mass gathering para maiwasan ang pagkalat pa ng Coronarirus disease 2019 (COVID-19).

Pinaplano ding pauwiin na muna ng PSC pag pwede na muling mag travel ang mga Athletang na stranded sa Luzon matapos sumabak sa iba’t ibang bansa para sa Tokyo Olympics Qualifying games.

Dagdag pa ni Petecio na wala pa umano itong kasiguraduhan ngunit sabik na rin silang maka uwi sa kani-kanilang probinsiya para mag-home training nalang muna at upang makakasama din niya ang kanyang pamilya.