Iginiit
ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon
Fernandez na hindi maiiwasan ang mga nangyayaring aberya at delays
dahil sa isang malaking event ang South East Asian (SEA)
Games.
Paliwanag ni Fernandez, noong Agosto din lang
naibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang
budget para sa renovation ng mga venues ng sports event para sa SEA
Games kaya noon lang din nasimulan ang renovation gaya sa Rizal
stadium kung saan ay may pagsasaayos pang ginagawa.
Kahit
si 1Pacman Rep. Mikee Romero na isa ring partisipante sa SEA Games ay
una na ring sinabi na sa delay sa kagkakapasa sa budget dapat isisi
ang mga nangyaring aberya at hindi sa mga organizer ng 30th SEA
Games.
Giit ni Romero inabot ng lima hanggang anim na
buwan ang nangyaring delay sa budget para sa SEA Games sa
Senado.
Kung noong Enero pa lang aniya ay naaprubrahan na
ang budget, tiniyak na naiwasan ang mga aberya gaya ng napaulat na
problema sa logistics at koordinasyon sa hotel.
Una na
ring humingi ng paumanhin ang mga organizer at tiniyak na gagawin
nila ang lahat para maging matagumpay ang palaro.
Kasabay
ng panawagan ng pagkakaisa dahil ang reputasyon ng Pilipinas ang
nakasalalay rito.
Tinanggap naman na Cambodia Soccer Team
ang pangyayari.
Ayon sa kanilang head coach na si Felix
Dalmas, may mga bagay talagang hindi inaasahan at panahon na para
mag-move on at mag-focus sa kanilang laro.
Sa isyu naman
ng hotel, nagsalita na rin ang pamunuan ng Century Park Hotel, isa sa
mga hotel na tutuluyan ng mga atleta para sa SEA Games at nilinaw na
late na naipaalam sa mga organizers ang nabagong oras ng pagdating ng
football team.
Pero sa kabila nito, nasundo pa rin naman
umano agad ang mga atleta at nadala sa naturang hotel pero dahil may
standard check in time na alas-2:00 ng hapon ay hindi agad sila
nakapunta sa kanilang kuwarto.
Home Top Stories
PSC, isinisi sa Senado ang mga kontrobersiya sa SEA Games
-- Advertisements --










