-- Advertisements --

Nakakaranas ng matinding pag-ulan dulot ng bagyo ang malaking bahagi ng Estados Unidos.

Aabot sa 400 flights ang nakansela at 1,700 na iba pang flights ang na-delayed dahil sa bagyo.

Kinansela din ng Amtrak ang ilang serbisyo ng kanilang coastal rail services sa California.

Mahigit 800,000 katao naman sa iba’t-ibang bahagi ng US ang nawalan ng suplay ng kuryente na ang labis na naapektuhan dito ay ang estado ng Virginia.

Inanunsiyo naman ni New York City Mayor Zohran Mamdani ang pagkansela ang Macy’s Thanksgiving Day Parade dahil sa nasabing bagyo.

Ilang residente na rin ang ni-rescue matapos na ma-trap sila sa mga natumbang punong-kahoy sa mga kabahayan nila.