Iginagalang ng Department of Justice ang inilabas na desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ukol sa pinagsamang mga petisyon ‘habeas corpus’ ng mga Duterte.
Ipinauubaya na lamang ng naturang kagawaran sa Korte Suprema ang patungkol sa mga petisyon na kumukwestyon sa pag-aresto at pagdala kay dating Pangulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte tungo sa International Criminal Court.
Sa panayam kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, kanyang sinabi na titingnan pa nila kung ano ang magiging hakbang ng kagawaran matapos maglabas ng desisyon ang hukuman.
Naniniwala ang tagapagsalita na ang kaso ay wala na sa hurisdiksyon ng Pilipinas kundi saklaw at hawak na sa kasalukuyan ng International Tribunal.
Aminado siyang ang tanging magagawa at maaksyunan ng Department of Justice ay kung anong sakop lamang sa hurisdiksyon ng bansa.
Habang kanya namang nilinaw na ang naturang isyu ay hiwalay pa sa usapin pag-aresto kay Senador Bato Dela Rosa.
Nauna nang binigyang diin ng Korte Suprema na ang inilbas na desisyon ay walang kinalaman sa mismong isyu o legalidad ng pag-aresto at pagdala sa dating pangulo tungo ICC.














