Inanunsiyo ng FIFA na nakuha ng US ang Women’s World Cup sa taong 2031.
Ayon kay FIFA president Gianni Infantino na kinumpirma ang pagsasama ng US, Mexico, Costa Rica at Jamaica.
Sa unang pagkakataon din ay mayroong kabuuang 48 na koponan ang kalahok.
Habang ang English, Scottish, Northern Irish at Welsh ay mga tanging nag-bid para sa hosting naman sa taong 2035.
Noongn nakaraang taon ay ibinunyag na ni Infantino ang mga nag-bid para sa hosting ng 2031 at 2035 at ito ay wala ng nagtangka pa ng mag-bid.
Ang susunod kasi na Women’s World Cup ay gaganapin sa Brazil mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 25 sa susunod na ton kung saan mayroon lamang itong 32 na koponan.
Gaganapin ang final games sa Maracana Stadium sa Rio de Janeiro.
Noong nakaraang 2023 Women’s World Cup ay nagkampeon ang Spain sa torneo na ginanap sa Australia at New Zealand.
Dalawang beses na naging host ang USA ng Womens World Cup na ang una ay noong 1999 at noong 2003.
















