Hindi umabot ng isang oras ang plenary deliberations ng Senado bago tuluyang maaprubahan ang panukalang 2027 budget ng Presidential Communications Office (PCO) at ilan pang tanggapan at ahensyang nasa ilalim nito.
Isa sa mga pangunahing isyung inilatag ni Padilla ang umano’y pagbura sa mga materyales at video na may kaugnayan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa website ng tanggapan.
Bilang tugon, itinanggi ng PCO na sinadya nitong burahin ang mga naturang content. Ipinaliwanag ng ahensya na nagkaroon lamang ng problema o downtime sa website kaya hindi na makita ang ilang materyales at kailangan pang isagawa ang retrieval o pagbawi sa mga ito.
Binigyang-diin din ni Senador Erwin Tulfo, na siyang sponsor ng panukalang pondo ng PCO, na hindi dapat basta alisin ang mga naturang materyales dahil bahagi ang mga ito ng kasaysayan ng bansa na dapat mapanatili para sa susunod na henerasyon.
Matapos ang maikling palitan ng mga tanong at paglilinaw, tuluyan nang inaprubahan sa plenary ng Senado ang panukalang pondo ng PCO at ilan pang tanggapan at ahensyang nasa ilalim nito para sa susunod na taon.
Ang pag-apruba sa plenary ay bahagi ng patuloy na pagtalakay ng Senado sa panukalang 2027 national budget.














