-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na hindi sila tumitigil sa pagsasagawa ng monitoring sa mga gasoline stations.
Ito ay para siguruhin ng DOE na nagpapatupad ang mga gasoline stations ng bawas presyo.
Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, na nagkaroon na sila ng pagpupulong ng ilang kumpanya ng langis at kanilang napag-usapan ang hindi pagpapatupad ng bawas presyo.
Giit ng kalihim na bagamat naiintindihan niya ang balakid ng mga gasolinahan na maari silang malugi dahil sa serye ng rollbacks ay dapat ay maipatupad ng tama ang bawas presyo.
Magugunitang pinapasagot na ng DOE ang mahigit na 200 mga gasolinahan dahil sa nasaibng mga paglabag na hindi nagpapatupad ng bawas presyo.














