-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P3.00 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong P2.60 na bawas sa kada litro ng diesel at P1.60 na bawas sa kada litro naman ng kerosene.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang dahilan nito ay ang dahan-dahan na pagbawi ng global suplay at ang pagkakaroon ng pagbaba ng tensiyon ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Kasama na rin ang mas mahinang demand na inaasahan sa mga susunod na linggo.
Hindi rin nababahala ang DOE dahil sa mayroong hanggang 51 na araw ang fuel inventory ng bansa.















