-- Advertisements --

Nagsagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng Integrated Air and Missile Defense (IAMD) exercise sa Camp Cape Bojeador sa Burgos, Ilocos Norte.

Bahagi ito sa Defense ng Northern Luzon sa AJEX DAGITPA 10-2026.

Ang nasabing exercise ay para masubok ang abilidad ng AFP para ma-detect, malaman at maharang ang anumang airborne threats sa gamit ang pinagsamang air at surface assets.

Layon din nito ay para mapaigting ang interoperatibility sa mga participating units.

Nakatuon ang exercise sa air and missile defense coverage at pagsagawa ng counter-air at missile defense operations.

Sa pamamagitan ng AJEX DAGITPA 10-2026 ay patuloy na hinahasa ng AFP ang kanilang kahandaan at ang pakikipagtulungan ganun din ang walang humpay na commitment sa pagtatanggaol sa teritoryo ng Pilipinas.