-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng administrasyong Marcos ang posibilidad na pasukin ng Pilipinas ang negosyo ng space launch sites sa gitna ng pagpapalawak ng operasyon ng SpaceX ni Elon Musk.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi layunin ng Pilipinas na maging katulad ng NASA o magpadala ng tao sa buwan at Mars, kundi makinabang sa potensyal ng bansa bilang lokasyon ng mga rocket launch site.

Paliwanag ng Pangulo, may malaking kalamangan ang lokasyon ng Pilipinas dahil nasa kanlurang bahagi ito ng Pacific Ocean. Kapag inilunsad ang mga rocket, mas ligtas umano ang direksyon ng kanilang pagbagsak dahil sa karagatan at malayo sa mga mataong lugar.

Dagdag ni Marcos, layunin ng bansa na samantalahin ang lokasyong ito upang makapasok sa lumalawak na industriya ng space launch services.