-- Advertisements --

Labis na ikinalungkot ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang hindi pagsali ni Rhenz Abando sa ikalimang window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Malaysia.

Nagtamo kasi ng ankle injury si Abando habang naglalaro sa Korean Basketball Leagu nitong gabi ng Huwebes.

Ayon kay Cone na kinailangan nilang mag-move on kahti na labis silang nalulungkot.

Aminado si Cone na nanghihinayang siya dahil sa hindi paglaro ni Abando.

Dahil dito ay ipapalit kay Abando si Troy Rosario.

Itinuturing ni Cone si Rosario bilang “plug and play player” dahil alam na nito ang sistema ng koponan.

Nakatakdang lumipad patungong Malaysia ang Gilas Pilipinas ngayong Sabado, Nobyembre 21.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Syria at Iran.