-- Advertisements --

Pumanaw na si dating PBA star Peter June “PJ” Simon sa edad na 46.

Bigla na lamang itong nawalan ng malay sa isang exhibition game sa Davao City, nitong Biyernes, Nobyembre 20.

Ilang minuto ng kaniyang pagkakaupo para makapagpahinga ay bigla na lamang itong nawalan ng malay.

Dinala pa ito sa San Pedro Hospital sa Davao City subalit hindi na umabot ng buhay.

Nakilala siya bilang “The Scoring Apostle” at “SuperSub”.
Naglaro ito sa Purefoods ng 17-season sa PBA kung saan kasama ito ng nagkamit ng walong kampeonato.

Kasama na dito ang 2014 Grand Slam bago nagretiro sa paglalaro noong 2020.

Ang native ng Makilala, North Cotabato ay naglaro sa Davao Eagles bago nakapasok sa PBA noong 2004 at walong beses na napiling All-Star bago tuluyang niretiro ng koponan ang kaniyang Number 8 na jersey.

Kahit na nagretiro na sa PBA ay naglalaro pa rin ito ng basketball sa Mindanao kung saan noong 2024 ay hinawakan niya ang Pilipinas Super League regional program na tumutulong sa mga kabataan na nahihilig sa basketball.